Saturday, June 11, 2011

UP: Unibersidad Pang-mayaman

Alam ninyo, hindi na 'to bago. Ilang beses at ilang ulit na natin narinig sa mga "estudyanteng aktibistang" laging nagra-rally o nagwo-walk out sa klase.

Napanuod ko yung interview ni Joseph Morong kay Cherry Holgado, isang UPCAT qualifier. Namumublema siya kung saan niya kukunin ang kanyang pang-tuition sa darating na semestre.
Nakapasok ako ng UP hindi dahil isa akong UPCAT qualifier. I applied for a wait-list slot in UPLB. I transferred to UP Diliman after a year of studying there. Unang pumasok sa isip ko nung sinabi ni Cherry na namumublema siya sa kanyang pang-tuition ay ako. Nung nalaman kong pwede pa palang makapasok sa UP kahit na hindi UPCAT qualifier, tuwang tuwa ako. Wala akong inindang pambayad ng tuition pag dumating na ang registration. Ang inisip ko lang noon, "Yes! Eto na. Eto na ang katuparan ng mga pangarap ko. UP na ako! Thank You Lord!" Walang kabaha-bahala sa laki ng tuition kong 22,000+ kada semsestre.

Kilala ko ang UP na tahanan ng mga malayang mag-isip at mga dukhang may mga utak. Ang alam ko, "UP is for the poor BUT intelligent." University of the Poor, ikanga. Nung pumasok akong UP, doon ko na nakita kung gaano kaiba ang aking pagkakaalam ko sa Unibersidad ng aking pinasukan. Hindi normal ang reaksyon ni Cherry nung sinabi niyang namumublema siya kung tutuloy nga ba siya sa Unibersidad. Hindi ba dapat sobrang masaya ka na malaman mong mag-eenroll ka na sa pangarap mong Dalubhasaan?

Maling mabahala nang dahil sa pera. Pero yun ang realidad na napunta kay Cherry. Mali dahil sa UP siya nakapasa; isang institusyon ng gobyerno para makaghatid ng dekalidad na edukasyon para sa mga mamayan na salat sa kabuhayan. Mali ang mag-alala sa ipambabayad sa isang State-subsidized university, tulad ng UP. Si Cherry ay isa sa mga humugit kumulang na 1000 UPCAT qualifiers (for the Diliman campus ONLY) na hindi na tumuloy na mag-enroll sa UP dahil "walang pang-matrikula."

I totally agree with Rep. Mong Palatino that the Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) of the University should be reviewed. Not only that but the WHOLE scholarship program of the State Universities and Colleges (SUCs).  Hindi dapat nangangamba ang isang estudyante sa pagpasok sa isang National University na suportado ng Gobyerno. Mali yoon. Maling Mali.

No comments:

Post a Comment